Saturday, September 12, 2009

“WIKANG FILIPINO: MULA BALER HANGGANG BUONG MUNDO”

Ang wikang Filipino ay ang ating pambansang lenguwahe. Ito ang kayamanan nang mga Pilipino sapagkat ito ay natatangi sa lahat. Sa 7,107 na pulo nang Pilipinas, halos lahat tayo ay marunong gumamit ng wikang ito.

Ang wikang Filipino ay para sa mga Pilipino, ang wikang Espanyol ay para sa Espanya kaya naman gamitin natin ang ating sariling wika. Ito ang daan natin tungo sa ating pambansang pagkakakilanlan. Ito ang susi patungo sa pagkamit natin ng ating kapayapaan at ikauunlad. Ang mga taga ibang bansa o ang mga dayuhan ay minamaliit ang ating lenguwahe. Nasasaktan tayo, minamaliit at inaapakan ang ating puri. Kaya ngayon, palaganapin natin an gating sarilins wika ---- ang wikang Filipino. Kaya naman ang Filipino Club ay nagdaraos ng mga programa para sa Buwan ng Wika. Sila ay may temang “Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Mundo.” Ipinapaalala sa atin na dapat na nating gamitin ang wikang Filipino bago pa mahuli ang lahat, bago pa maghari ang wikang Ingles sa ating katauhan o isipan.

Kaya kahit saan mang sulok ng mundo tayo naroroon, kahit sa kasulok-sulukan ng mundo ipagmalaki mong ik’y Pilipino at may wikang Filipino. Ikalat mo ito mula Baler hanggang buong mundo.

No comments:

Post a Comment